SINOPSIS o BUOD
SINOPSIS o BUOD
3.
4.
Sinopsis o Buod
isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit
sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad
ng kuwento, salaysay, nobela, dula,
parabola, talumpati, at iba pang anyo ng
panitikan.
Mahalagang maipakilala sa mga babasa
nito kung anong akda ang iyong ginawan
ng buod sa pamamagitan ng pagbabanggit
sa pamagat, may-akda at pinanggalingan
ng akda.
Sino?
Ano?
Kailan?
Saan?
Bakit?
Paano?
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Sinopsis o Buod
1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.
2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na
sipi nito. Kung ang damdaming naghahari sa akda ay
malungkot, dapat na maramdaman din ito sa buod na
gagawin.
3. Kailangang mailahad o maisama na rito ang mga
pangunahing tauhan maging ang kanilang mga
gampanin at mga suliraning kanilang kinaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa
paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuo
ng dalawa o higit pang talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay at
mga bantas na ginamit sa pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit
kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng
akda.
Mga hakbang sa pagsulat ng
Sinopsis o Buod
1. Basahin ang buong seleksyon o akda at
unawaing mabuti hanggang makuha ang buong
kaisipan o paksa ng diwa.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di
pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay
magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan
ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinulat.
5. Ihanay ang ideyang sang-ayon sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung
mapaiikli pa ito ng hindi mababawasan ang
kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat
na buod.
Panuto: Isulat ang TSEK (✔) kung sa tingin mo
ay tama ang nakasaad na pangungusapn at
EKIS (X) naman kung ito ay mali. Isulat ang
sagot sa patlang.
________1. Sa pagbuo ng sinopsis o buod, habang nagbabasa, magtala at
kung maaari ay magbalangkas.
________2. Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa
mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula,
parabola, talumpati at iba pang anyo ng panitikan.
________3. Layunin ng buod o sinopsis na maisulat ang pangunahing
kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis
nito.
________4. Tiyaking di-wasto ang gramatika, pagbabaybay at mga bantas na
ginamit sa pagsulat.